HIRAM LAMANG
Welcome po sa inyo.. God Bless You ..
© 2006 Words & Music Matt G. Cueto
Minsan ay aking napagmamasdan ang takbo nitong buhay
At tila ba ating nalilimutan
Na ang ating buhay sa lupa ay hiram lamang
Lilipas din ang panahon at tayo’y papanaw
Araw-araw tayo ay mga naghahanap
Mga ginto, pilak o’ karunungan
Di mo ba naiisip na minsan isang araw
Ang lahat ng ito ay maiiwanan
Cho:
Kayat hangarin ko ngayon ay buhay na walang hanggan
Maglinkod ng tapat at lubusan
At kung di ko man makakamit kislap ng kayamanan
Ang buhay kong ito ay hiram lamang
Tulay:
Mahirap o mayaman, bata man o magulang
Bawat isa ay may kasaysayan
‘Pagkat di natin natatalos ang hangganan ng buhay
Tanging Dios lamang ang may alam
Printed with permission with Bro.Matt G. Cueto
Incoming search terms:
- hiram lamang lyrics
- hiram lamang christian song chords and lyrics
- hiram na buhay in english
- ang buhay ay hiram ng diyos
- hiram lamang lyric
- hiram na buhay
- minsan lamang lyrics with chords

