Test

Itatawid Sa Landas

Lazada Philippines

Welcome po sa inyo.. God Bless You ..

Itatawid Sa Landas | Arnel de Pano

Verse
Sa bawat dahon ng aklat ng buhay
Bakas ng luha na tumatangay
Inaanod ang pag-asa
Unti unting nawawala
Haligi ng munting daigdig ko

Verse 1
Minsa’y nanlalamig na rin ang araw
Ihip ng hangin ma’y giniginaw
Nanlulumo, nalulumbay
Hanap ay isang gabay
Sa piling mo’y hindi mabibigo

Chorus
Kahit magunaw man ang daigidig
Lisanin man ng init ang mundong manlalamig
Kahit na humayo sa daang magkabila’y bangin
Ikaw pa rin O Diyos, ikaw pa rin

Chorus 1
Pag-ibig mo’y hindi magwawakas
Kalinga mo O Diyos ang syang magbibigay lakas
Sa anumang panganib, ginintuan ang Yong pagliligtas
Panatag nga’t tiyak
Itatawid Mo sa landas

Verse 2
Kung sa tadhana’y di nais ang guhit
Pwang sagabal ang sinasapit
Ikaw ang Syang tatawagan
Saro ko’y aapawan
Ng pag-asang kailanma’y dulot Mo

Bridge
Itatawid, ililigtas
Ihahatid hanggang wakas

Itatawid Sa Landas | Arnel de Pano

Incoming search terms:

Our Christian Song List

2 Comments »

  1. Josh Said,

    January 18, 2011 @ 1:50 am

    paki lagyan po ng guitar chords ang song na ito “Itatawid sa landas”

    Reply

  2. joey Said,

    March 16, 2011 @ 9:55 pm

    guitar chords please!

    Reply

Leave a Comment