Test

MULING MAGBABALIK

Lazada Philippines

Welcome po sa inyo.. God Bless You ..

© 2006 Words & Music Matt G. Cueto

Malayong malayo na ang nararating

Buhat ng lumisan sa piling Mo

Kay tagal ng panahong lumipas at nagdaan

Hinahanap ang pagmamahal Mo

At sa mga gabing aking pamamanglaw

Naririning ko ang Iyong tinig

Na wari bang ako’y lagi ng tinatawag

Na sana ako’y muling makabalik

Cho:

Babaguhin ko and aking landas

Tungo sa daang matuwid

Igawad Mo Panginoon and pagpapatawad Mo

Upang sa piling Mo’y makabalik

Duon sa bundok burol ng pagdurusa

Ibinuwis Mo ang iyong buhay

Upang ako ay mahatulan ng laya

Inako Mo’ng lahat ang sala

Ang tunay na ligaya’y aking naranasan

Binago Mo’ng lahat itong buhay

Ngunit sa kabila ng Iyong kabutihan

Sumaway pa rin ako at lumisan

Tulay:

Nahugasan ka na ba

Sa banal na dugo ni Jesus

Napatawad na ba ang ‘yong kasalanan

Nahugasan ka ba sa dugo


Printed with permission with Bro.Matt G. Cueto


Incoming search terms:

Our Christian Song List

1 Comment »

  1. edwin lizardo Said,

    June 9, 2010 @ 8:16 pm

    anyone who has a lyrics of “Sa Landas ng Pagdurusa”

    Reply

Leave a Comment