Test

SA PUSO MO MANANAHAN

Lazada Philippines

Welcome po sa inyo.. God Bless You ..

l.( Lalaki)

Malasin mong mabuti ang mundong puno

na nang dilim

Mababanaag mong bawat daan hangganan

ay bangin

Bakit pipilitin dito abutin

Ang yaman ba nitong mundo

Ang tanging hangarin

II.

(Babae)

Lahat nang bagay sa mundong ito

tunay na lilipas

Maliban sa isang bagay

Na kailanma’y di kukupas

(Lalaki)

Pagsikapan mong ito ay abutin

Pagkat walang hanggang buhay

Ang iyong kakamtin

KORO:

Sa puso mo mananahan tunay na kayaman

Hinihintay lamang niya kung Siya’y

iyong pagbubuksan

Tanging kay Hesus mo matatagpuan

Tunay na yaman magpakaylanman.

(Ulitin II,Koro)

Sinasabi ni Hesus tungkol sa yaman nang tao

Kung nasaan ito, naroroon ang iyong puso

Wag ka nang maging hangal

Pagkat maling yaman sa iyo ay sasakal

(Ulitin Koro 2x)

Tunay na yaman magpakaylanman

Our Christian Song List

Leave a Comment